Unknown Writer's Diary #494
Hindi masusukat ng tagumpay,
Para malaman mo kung sino ang totoo o tunay,
Bagkus sa kung sino ang nariyan—
Noong ipinaranas sa'yo ng mundo ang kabiguan.
Hindi basehan ang kasiyahan,
Para makita mo kung sino ang hindi mang-iiwan.
Sa halip ay kung sino ang handang kang damayan—
Kahit sa lalim ng kalungkutan.
Hindi masusukat ng araw-araw na usapan,
Para malaman ang tibay ng samahan,
Kundi ng malalim na pang-unawa sa sitwasyon ng bawat isa–
Sapat na ang simpleng kumustahan at pagtitiwala.
Hindi kailanman masusukat ng tagal,
Ang tibay at lalim ng pagmamahal.
Lahat ay maaaring magbago—
Depende sa prayoridad ng tao.
Sa totoo lang,
Bihira na lang ang taong—
Hindi nakabase ang pakikisama sa pakinabang.
Views: 5
Other Diaries You May Like To Read
You don't always need a plan. Sometimes you just need to breathe, trust, le...
View
Sorry sa mga pagkukulang at maling nagawa ko, umaasa pa din balang araw map...
View
I'll share the last bite of every meal
I'll wipe your tears when you're in...
View
No, I'm not gonna convince you that you have to stay with me. I am not goin...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!