Unknown Writer's Diary #495

Sa umpisa lang naman sila sabik.
Kapag may halo pang kilig ang mga sulyapang tahimik.
Kapag bago pa ang kuwento—
At sa paningin ay hindi pa ordinaryo.

Sa una lang naman sila interesado.
Kapag hindi pa kabisado,
At ang nakikita lang ng mata ay ang mga ideya patungkol sa’yo —
Ngunit hindi ang madilim na bahagi ng iyong pagkatao.

Sa simula lang naman sila magaling,
Kapag may kailangan pang patunayan at marating.
Lahat gagawin at sasabihin—
Subalit sa huli’y hindi rin naman kayang panindigan at patagalin.

Kung kaya’t hindi rin kita masisisi,
Kung ang dating tiwala ay naging pagdududa na’t lungkot.
Kung ayaw mo munang sumubok—
At sa puso mo’y may natitira pang takot.

Dito sa mundong puno ng mga tanong na bakit at paano.
Sana’y makatagpo ka pa rin ng taong sigurado sa’yo.
Hindi lang sa umpisa—
Kundi hanggang dulo.
Views: 7
Diary #494 Diary #496

Comments

No comments yet. Be the first to comment!

Other Diaries You May Like To Read

To the people who are emotionally sensitive, who care so much about everyth...

View

I hope you find someone who will understand your past traumas and give you ...

View

Isang gabi, napagdesisyunan kong lumayo. Hindi ko na kaya, Ate Charo, kaya ...

View

I can clearly foresee a future with you that filled with endless love and u...

View