Unknown Writer's Diary #471
o’ng pinihit kong muli ang susian ng pinto, hindi ito nakakandado. May bahagi sa’kin na umaasang naroon ka pa rin sa loob, naghihintay. May pintig sa’king pulso na nagtutulak patungo sa’yo. May bulong sa puso na nagpipilit ituloy ang kuwento.
Dahil siguro, pagod na rin akong sumuko.
Nasanay ako marahil sa pag-ibig na tinatakasan ang sakit kapag sumisiksik. Inaabandona ang lahat ‘pag ang daplis ay nagsisimula nang magsugat. Inuunahan ng takot na muli pang subukan. Sinusukuan agad ang ideya ng kapatawaran.
Ngunit iba ka sa lahat ng alam kong laban.
No’ng pinihit kong muli ang susian ng pinto, una itong bumukas, muli kang ipinakilala. Ikaw pa rin ito—ang paksa ng mga liham ko’t tula, ang hugis at anyo sa maraming masasayang alaala. Ikaw pa rin ang taong gusto kong makasama,
pagkatapos ng mga iyak,
ng mga sisi at sumbat,
ng piglas sa mga yakap.
Ikaw pa rin ang gusto kong uwian,
kahit maulan man sa’ting tahanan.
Views: 6
Other Diaries You May Like To Read
the Best Day ever...
View
Yeeeey see you bukas 🥰🤭 finally makikita na din kita. Walang drawing ...
View
I just wanted to say thank you for the time we spent together. I’ll start...
View
Dahil ang totoo niyan, ang katumbas ng katagang “mahal kita” ay “susu...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!