Unknown Writer's Diary #472
Kinukumbinsi ko ang sarili na gagaan din ang mga araw. Na kahit papaano, mababawasan ang bigat na pinapataw ng ibang tao, babagal ang mundo para makasabay ako, magkakaroon ng kulay ang takbo na laging ordinaryo.
Pinipilit kong maniwala na hindi lang ako hanggang dito.
Na sa dulo ng lahat ng ito, may nakaabang sa’king ligaya, at ginhawa, katuparan ng mga pangarap, at pag-ibig. Pilit kong pinanghahawakan ang maliliit na senyales at simbolo na may nakaalaan sa’king espesyal na kuwento.
Dahil wala naman akong ibang magagawa kun’di magtiwala. Pinupuno ko ang sariling puso ng pag-asa, tinatapik ang sariling balikat kung pagod na, pinapalakas ang sariling loob kung ‘di na kaya.
Lagi kong kinukumbinsi ang sarili na may kapupuntahan ang lahat ng ito. Na baka bukas o makalawa, mas paboran na 'ko ng mundo.
Views: 10
Other Diaries You May Like To Read
Minsan ayoko na tumulong kase di naman naappreciate, ang malala may masasab...
View
I’ve been daydreaming about traveling the world..puro adventure and a bit...
View
Nais kong magpasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala saakin at tumulo...
View
Just one small positive thought in the morning can change your whole day. ...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!