Unknown Writer's Diary #482

Dahil ang totoo niyan, ang katumbas ng katagang “mahal kita” ay “susuportahan kita”.

Hindi ako mawawala, kahit pa makaligtaan mo ‘ko sa balisang umaga. Hindi ako magdaramdam, kung sa gabi’y mga pangarap ang iyong yakap.

Hindi ko ipagdaramot ang pagkakataong ito. Ang t’yansa ng ‘yong paglago. Ang kasalukuyan at ang hinaharap. Ang magandang bukas na gusto mong malasap.

Hindi hahadlang ang pag-ibig ko sa’yo. Hindi ito magiging mabigat, hindi magiging matingkad, hindi ito maghahangad ng sobra pa sa sapat. Sapagkat nauunawaan ko ang dapat—ito ang panahon ng pagtupad.

Kaya’t mangarap ka lang muna. Tuparin mo ang mga plano mong nauna. Gawin mo ang alam mong tama. Mahihintay naman kita.
Views: 5
Diary #481 Diary #483

Comments

No comments yet. Be the first to comment!

Other Diaries You May Like To Read

it's been 5 months pero parang kahapon padin yung sakit :( kahit tumatawa a...

View

Falling down is just a natural part of life's journey, and everyone experie...

View

Life hasn’t always been easy, and I’ve gone through ups and downs, but ...

View

the Best Day ever...

View