Unknown Writer's Diary #469

Malapit ko nang tanggapin na hindi ako magaling.

Walang espesyal sa akin. Walang kamamanghaan, o kagigiliwan. Hindi ako ‘yung tulad ng iba na mahusay sa kuwentahan, o sa kuwentuhan. Parehong kaliwa ang paa, hindi kasundo ang musika. Karaniwan lang, nandito para itanghod ang mga mata, para pumalakpak sa iba.

Hindi ko kailanman naranasang maging bida o una. Lagi lang suporta. Laging kailangang magpakilala—ako si ganito, kasama lang ni ano. Pagkatapos ay balik na muli sa pagiging ordinaryo. Walang maipagmalaking talento, o lubhang talino, o nakakabilib na kuwento.

Kaya’t unti-unti ko nang tinatanggap na ‘di ako magaling.

Maaaring marunong lang, o sanay—pero ‘di ko masabing mahusay. Nahihirapan pa ring makasabay. May mga sandali pa ring ligaw sa buhay. Hindi ko pa mawari kung may patutunguhan ba ‘tong pagiging karaniwan lang. Pero sana, meron.

Sana kahit papa’no, ‘di ako isantabi na lang ng mundo.
Views: 14
Diary #468 Diary #470

Comments

No comments yet. Be the first to comment!

Other Diaries You May Like To Read

No, I'm not gonna convince you that you have to stay with me. I am not goin...

View

Sa wakas, nakatapos din ako ng aking once-a-week na ligo. Hindi lahat kaya ...

View

namimiss ko yung dating ingay ng home server namin. puro na sila busy ngayo...

View

ang hirap pala pag nakadepende sa isang tao yung happiness mo, hindi mo ala...

View