Unknown Writer's Diary #468
Akala ko dati, ang pinakamagandang pagbawi ay ‘yong naililibre na natin ang sarili. May mas mainam pa pala.
Ang sarap pala sa pakiramdam na mas kilala na natin ang sarili—alam na natin kung ano ang ayaw at gusto, ang mga limitasyong ibibigay sa ibang tao, ang pagpapahalaga sa kalusugan, at ang pagsabi ng hindi nang walang kinatatakutan.
Ilang taon din akong naging kaaway ng sarili—hinusgahan at pinagdududahan ko ito nang sobra-sobra. Sa totoo lang, sa sobrang pag-aalala ko sa sasabihin ng iba, ako na pala itong naglilimita sa sarili kong halaga at sa tiyansang sumaya.
Sa wakas, tapos na.
Bumabawi na ulit ako sa sarili—inaalagaan ko na ulit ito. Hindi na ako naghihintay nang galing mula sa ibang tao.
Views: 13
Other Diaries You May Like To Read
Good morning, I want to remind you that greatness is within your reach. Hav...
View
nakagagaan sa pakiramdam na may tao paring nagtitiwala sa'yo sa kabila ng d...
View
sometimes we need to realize that it's better to just let things be or to l...
View
grabe 'tong generation natin 'no? lahat tayo pagod na. lahat tayo may kanya...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!