Unknown Writer's Diary #499
Minsan hindi rin mabuti ang palaging bigay nang bigay.
Dahil kahit ilang beses kang sumang-ayon sa hinihingi nilang pabor,
Sa isang pagtanggi mo lang ay ituturing ka pa rin nilang madamot—
Nasanay na kase sila, sinanay mo kase sila.
Madalas sa pagtulong nagkakaroon ka ng utang na loob.
Pakiramdam mo kase obligasyon mo itong ibalik bilang ganti.
Kahit hindi naman dapat, lalo na kung kusa naman itong ginawa—
Parang ang pagtulong tuloy ay parating nangangailangan ng kapalit.
Minsan, hindi rin mabuti na pawang kabaitan na lamang ang pinapakita mo sa kanila.
Madalas dito ka naaabuso, dahil pakiramdam nila'y ayos lang lahat sa'yo.
Hindi nila kikilalanin ang iyong hangganan at limitasyon—
Nasanay na kase sila, sinanay mo kase sila.
Minsan, mas mabuting mabuhay,
Nang hindi pinapansin ang sasabihin,
O ang tingin sa'yo ng iba—
Hayaan mo sila.
Views: 5
Other Diaries You May Like To Read
Sino available nag comflirt jan?may available ba?comment lang dm kita. Mwua...
View
Sometimes I want to stop caring for people because I am so tired of being t...
View
I Prefer to Give My All Rather Than Have Regrets in the End
In a world bri...
View
If fear tries to hold you back, remember that jumping is the only way to ge...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!