Unknown Writer's Diary #492
Sagipin mo muna ang iyong sarili bago ang iba,
Parang nasanay ka na kaseng palaging inuuna sila.
Kaya ka madaling mapagod at maubos—
Dahil ang hilig mong sumabay sa kanilang agos.
Tumanggi ka rin minsan.
Hindi sa lahat ng oras kailangan mo silang pagbigyan.
Hindi naman lahat kailangan mong unawain at pakinggan—
May limitasyon ka rin naman.
Kung sakali, may masisilungan ba ang iyong puso kapag bumuhos ang malakas na ulan?
May makakapitan ka ba sa tuwing binabagyo ang iyong isipan?
Ang taong pinili mong ingatan, iingatan ka rin kaya?—
Takot din kaya sila na ikaw ay mawala?
Madalas ikaw lang ang sigurado sa kanila, sa lahat,
Kung kaya't kahit masakit na, titiisin pa rin ang bigat.
Nakakalimutan mong mahalaga ka rin at sapat—
Nagpapatangay ka sa sarili mong dagat.
Sagipin mo muna ang iyong sarili bago ang iba,
Dahil hindi mo rin naman lahat maisasalba,
Kung ikaw mismo ay naghahanap din ng pahinga—
At nalulunod sa sarili mong problema.
Views: 6
Other Diaries You May Like To Read
Sometimes in life we just need someone who will be there for us. Someone wh...
View
Love is not making someone priority and happy it's all about supporting eac...
View
Do not stop thinking of life as an adventure. You have no security unless y...
View
Bakit hindi mo ba makitang heto lang ako
Handang gawin lahat basta ikakasa...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!