Unknown Writer's Diary #491

Madalas may mga tumutulong lang para magkaroon ka ng utang na loob sa kanila,
Upang kung dumating man ang panahon na sila naman ang mangailangan.
May malalapitan din sila, may puwede silang sabihin—
Parang ang pagtulong ay isang tanim na sa dulo ay aanihin.

Sa totoo lang, bihira na lang ang pagtulong na walang ibang motibo.
Walang ibang hangad kundi ang pagtulong lang mismo.
Kung ganoon lang sana siguro—
Wala rin matatakot humingi ng tulong lalo na ang mga taong gusto nang sumuko.

Ang nakakatakot lang kasi madalas sa paghingi ng tulong,
Ang mga salitang maaaring mong marinig pagkatapos nito.
Kung sapat na ba ang pasasalamat—
O babanggitin pa ito sa hinaharap.

Sana ang pagtulong ay walang hinihintay na kapalit.
Sana ang pagtulong ay puro lang pagmamalasakit.
Hindi dahil may iba pang nakakabit—
Kung ganoon lang sana.

Kaya,
Para sa mga tulong na walang sumbat—
Salamat.
Views: 11
Diary #490 Diary #492

Comments

No comments yet. Be the first to comment!

Other Diaries You May Like To Read

Grabe, adik na ata ako. Lahat ng oras ko, iniisip ko lang siya. Parang in l...

View

Bakit hindi mo ba makitang heto lang ako Handang gawin lahat basta ikakasa...

View

Andali kumilala ng kung sino sino pero mahirap yung makatagpo ka ng tao na ...

View

delayed na delayed ako sa buhay, everyone seems to be doing well samantalan...

View