Unknown Writer's Diary #255
Ang dami ko na palang hindi na nakakausap.
Habang tumatanda pala tayo, pabawas nang pabawas ang mga malalapit sa ating tao. 'Yong kasabay kong umuwi noong elementarya, hindi na nangungumusta. 'Yong paborito kong kaibigan noong hayskul, wala na kaming balita sa isa’t isa. 'Yong kasangga ko sa kolehiyo, mas prayoridad na ang trabaho.
Sa sobrang abala natin sa mundo, may mga koneksyon na hindi na natin napanindigan, may mga relasyon na nalimitahan. At nauunawaan ko ito dahil may mga bayarin na kaakibat ng pagtanda natin.
At kahit ang dami ko nang hindi nakakausap sa inyo, palihim ko pa ring pinapanalangin na sana, pare-pareho tayong manalo sa buhay. Mas umangat nawa tayo sa kasalukuyan nating estado.
Views: 5
Other Diaries You May Like To Read
When someone makes the effort to check in on you, it’s a sign that they v...
View
When you allow someone to teach you, it’s like saying, “I trust you to ...
View
Hinayaan kitamg huminga ng ilang araw, dinistansya ko ang sarili ko sayo tu...
View
nakagagaan sa pakiramdam na may tao paring nagtitiwala sa'yo sa kabila ng d...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!