Unknown Writer's Diary #507

Hindi mapipigilan ng pagod ang taong naghahangad umangat.
Gaano man karami ang dala nitong bigat.
May mga hadlang man sa mga hinahangad.
Subalit gagawa pa rin ito ng paraan para ito ay matupad.

Nalulugmok lang saglit ang taong gustong magtagumpay,
Pero hindi nito hinahayaang sakupin ang kanyang buhay.
Babangon pa rin ito—
Pupunasan ang pawis at luha, lalaban hanggang dulo.

Hindi nawawalan ng pag-asa,
Ang taong paulit-ulit nang natumba,
Dahil para sa kanya, wala namang mawawala—
Kung pipilin muli ang magsimula.

Humihinto lang ang taong pursigido,
Pero hindi ito sumusuko.
Babalik pa rin ito sa kanyang nasimulan—
Nang mas matatag at may natutunan.

Hindi mapipigilan ng hirap—
Ang taong may pangarap.
Views: 11
Diary #506 Diary #508

Comments

No comments yet. Be the first to comment!

Other Diaries You May Like To Read

Falling down is just a natural part of life's journey, and everyone experie...

View

Dear Diary...

View

Staying home, minding your own business, and choosing what feels best for y...

View

If only I knew that was the last time you'd call, I would've answered....

View