Unknown Writer's Diary #448
Umuwi ako noong friday sa bahay namin galing pa akong school. Punuan ang mga bus pero dahil atat na atat na ako umuwi nakisiksik ako kahit tayuan na. Bilang babae nakakahiya kapag nakatayo ka tapos yung nasa tapat mo lalaki. Hahaha ang awkward lang ng ganun kaya pilit kong tumalikod doon sa lalaking nakaupo.
Kaso nga punuan kaya sa harap ko naman may lalaki ring nakatayo. Literal na choose your fighter na lang talaga. Doon na lang ako humarap sa lalaking nakatayo kasi mas pogi, joke hahaha. Doon ako humarap para at least pareho naman kaming nakatayo.
Chill lang siya parang sanay na sanay siya na nakatayo sa bus. Sumandal lang siya sa may upuan tapos nagce-cellphone habang naandar ang bus. Kalagitnaan biglang pumreno ang bus, si kuyang pa chill-chill lang biglang sumubsob sa katapat niyang nakaupo. HAHAHAHAHAHA hindi ko mapigilang tumawa as in tumawa ako nang malakas kasi feeling ko mautot ako kapag hindi tumawa. HAHAHA
Views: 15
Other Diaries You May Like To Read
Life isn’t always filled with bright colors of happiness. Sometimes, it�...
View
Ang pogi ni kalix ang pogi ni kalix Ang pogi ni kalix ang pogi ni kalix
A...
View
First time judging a karaoke contest in another community...
View
Inimbitahan ako ng dati kong kaklase at ang sabi sa kin kakain kami sa Joll...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!