Unknown Writer's Diary #435
Narinig ko ang boses ng crush ko pakiramdam ko natuyuan ako ng laway sa lalamunan sa mga oras na iyon.
Pilit akong ngumiti at tumango bago naglakad paalis kulang na lang liparin ko ang room namin sa sobrang bilis ko. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib ko sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
The next day nagulat ako nang makita ko siyang sa labas ng room namin. Pagkakita niya sa'kin lumapit siya at eto na naman ang puso kong hindi mapakali.
"Hey, nahulog mo yung ballpen mo last time"
Inabot niya sa'kin ang ballpen ko kaagad ko naman iyong kinuha nagpasalamat ako. Aalis na sana ako ng magsalita siya.
"Puwede bang sabay na tayo mag lunch?,"
omygosshh mga be sobrang kilig ako noon. Hindi kaagad ako nakapagsalita
"Don't worry sagot ko na"
Pakiramdam ko tumalon ang puso ko at lumabas. So simula non naging malapit na kami, nagkakausap na rin kami sa chat minsan panga tinutulungan niya ako sa math dahil magaling siya don.
Views: 11
Other Diaries You May Like To Read
Rest if you are tired, but don't give up. Keep fighting to achieve your dre...
View
Kung sino man po kayo, sana magkaayos na kayo! Konting suyo lang bossing ba...
View
Based on my experience, it's true that the more chances you give, the less ...
View
Grabe, sobrang chaotic ng araw ko! Nagising ako ng late dahil napasarap ang...
View
Comments
No comments yet. Be the first to comment!