Unknown Writer's Diary #284

Sa sobrang dami mong obligasyon, nakakalimutan mo nang may pangarap ka rin pala para sa iyong sarili; may lugar ka na gustong puntahan, may resto ka na gustong kainan o may bagay kang gusto sanang pag-ipunan. Palagi mong sinasantabi ang personal mong kapakanan—inuuna mo kasi ang pamilya dahil alam mong kailangan ka pa nila.

Ilang beses mo nang sinabing ayaw mo na, subalit hindi ka napagod na ilaban sila. Ganito ka katapang—kinakaya mo lahat at binubuhat.

At sana nga, sa mga susunod na panahon, matuldukan nawa ang iyong obligasyon at pansarili mo naman ang mabigyan mo ng atensyon.
Views: 13
Diary #283 Diary #285

Comments

No comments yet. Be the first to comment!

Other Diaries You May Like To Read

i appreciate people who break my silence in a good way; people who get to t...

View

It’s natural to feel uneasy when stepping into unknown territory, especia...

View

me going through our old messages and seeing how in love we were.🥺💔 ...

View

"Someday, I want to be committed to someone who has mature plans for our fu...

View