Unknown Writer's Diary #194
Pauwi na ako sa trabaho at may madadaanan akong isang eskinita papunta sa bahay namin. Medyo masikip at madilim iyon. Nasa squatter area kasi kami nakatira.
Wala pa namang araw na hindi ako nakakadaan dun ng ligtas. Pero minsan nakakatakot talagang dumaan lalo na at iisa lang ang ilaw sa posteng malapit na rin matumba. Medyo mahaba pa man din ang daan at may mga part pa na hindi na maabot pa ng ilaw pero kayang kaya naman lakarin.
Malapit na ako sa eskinita ng may mapansin akong parang nakasunod sa akin. Sa isip ko ay buti naman at kahit papaano ay may makakasabay ako.
Nasa eskinita na ako ng lilingunin ko sana ang ang nasa likod ko para alukin na sumabay na lang sakin.
Pero bago pa ako makalingon, may biglang bumulong sa akin.
"Takot ka ba sa dilim?" iyon ang huling mga salita na narinig ko bago pumutok ang ilaw sa eskinita na dinadaanan ko.
Views: 16
Other Diaries You May Like To Read
Sa panaganip nalang magiging masaya
Dahil sa panaginip doon kita makakasam...
View
Good evening. Nandito lang ako para magsabing huwag ka magpalipas ng gutom!...
View
Steps para yumaman.
1.open your browser go to tapathub. com
2.search Pe...
View
Life is too short for us to dwell on sadness. Cheer up and live life to the...
View
Comments